home board salanga alcala awardees Features

Features

Kung Bakit Pagbasa ang Pag-Asa ni May Pag-Asa
Ukol kay Andres Bonifacio at Pagbasa

PBBY

Michael Charleston "Xiao" B. Chua
Historyador at guro ng kasaysayan,
Pamantasang De La Salle Maynila

Keynote speech para sa National Children's Book Day,
16 Hulyo 2013, Bulwagang Silangan,
Cultural Center of the Philippines, CCP Complex,
Lungsod ng Pasay.


Magandang umaga po sa ating lahat, at tulad ng lagi kong sinasambit sa aking pang-araw-araw na segment sa Telebisyon ng Bayan, "Makasaysayang araw po, iiiit's Xiao Time!"

Ikinararangal ko po ang paanyaya ng Philippine Board on Books for Young People na maging susing tagapagsalita ng pambansang pagtitipon para sa National Children's Book Day sa taong ito. Ngunit ang karangalan ay may kaakibat na pangamba. Pangamba sa sasabihin ng iba kung bakit ba ako ang naanyayahan. Hindi naman ako manunulat ng aklat pambata. Hindi naman ako sikat na personalidad. Ang alam ko naaanyayahan sa karangalan na ito ay ang mga katulad nina Dr. Ambeth Ocampo na inilalathala ng Anvil, ang siyang dahilan kung bakit ako naging historyador.

Ngunit ako man ay hindi masasabing propesyunal na manunulat as in manunulat, hindi pa nga matayog at ekspertong historyador, bilang guro at tagapagsalita, itinuturing ko ang sarili ko bilang isang abang kwentista, kwentista ng mga kasaysayan, salaysay na may saysay, para sa ating mga kababayan. Matindi ang paniniwala ko na ang mga kasaysayan na ito ay hindi lamang inspirasyon upang patatagin ang ating karakter bilang tao, pinapaalala nito na iba-iba man ang ating kultura at karanasan, may iisa tayong pinagmulan at maaari tayong magbuklod muli bilang isang bansa at patatagin ang ating pagkakakilanlan, karakter bilang isang bansa.

Kaya sisimulan ko po ang aking talumpati sa isang kwento.

Kung Bakit Pagbasa ang Pag-Asa ni May Pag-Asa (PDF)